Updated on March 22, 2014 | 12:40 PM
SMART Mi3 Small

Kontrata para sa ‘Golden Eagle’ aircraft ng Pilipinas, lalagdaan na ngayong Marso

F A  50  Golden EagleCamp Aguinaldo, Quezon City (AES) – Isang welcome development para sa AFP Modernization Program ang naging pahayag ng Department of National Defense (DND) na nakatakdang lagdaan na sa Marso 28 ang kontrata para sa 12 Korea Aerospace Industries (KAI) F/A-50 “Golden Eagle” jet aircraft.

DND SEALIto ang kinumpirma ni Defense Undersecretary for finance, modernization, installations and munitions Fernando Manalo na nagsabing ang kontrata para sa 12 F/A-50 ay nagkakahalaga ng P18.9-B.

Inaasahang dadalo para sa contract signing si Defense  Secretary Voltaire Gazmin, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Gen. Emmanuel T. Bautista, Philippine Air Force Commanding General  Lieutenant General Lauro Catalino G. Dela Cruz at iba pang major service commanders, ang president ng KAI president at ang pinuno ng Korea Trade-Investment Promotion Agency (KOTRA) at ang Ambassador ng South Korea sa Pilipinas.

Naurong ng 6 na araw ang contract signing, mula Marso 22 tungo sa Marso 28, sa kahilingan ng KOTRA dahil sa ang pangulo nito ay nakatakdang samahan ang Pangulo ng South Korea sa kanyang opisyal na biyahe sa Germany.

“I was told that the president of KOTRA will accompany the President of South Korea in her official visit to Germany (at that time),” Manalo stressed.

Idinagdag pa ni Manalo na napakahalaga ng ang contract signing para sa F/A-50 dahil sa ito ay isang government-to-government deal at pagpapakita ng tiwala sa pagitan ng dalawang bansa para sa pagpapa-igting ng kooperasyon sa usapin ng logistics.

Ang pagkuha ng bansa ng F/A-50s ay magbibigay sa AFP, partikular sa Philippine Air Force (PAF) ng minimum credible defense posture capability, partikular sa pagpapatuapd ng mandato nito para sa territorial defense.

Idinagdag pa ni Usec Manalo na nakatakdang din silang lumagda sa kontrata para sa 8 combat utility helicopters mula sa Canadian Commercial Corporation (CCC) na nagkakahalaga ng P4.8-B at ito ay isa ring government-to-government contract.

Ang nasabing mga helicopters ay layong ipalit sa 5 lumang Bell 412 helicopters ng Office of President na nabili nuon pang panahon ng dating Pangulong Fidel V. Ramos, ito ay variant ng Bell 412 pero mas modern at mas malawak ang kakayahan.

FacebookGoogle+LinkedInPinterestTwitterEmail
SMART Mi3 Small
>

Related Posts

Leave a Comment